Monday, May 10, 2010

Singer Markki Stroem and Magician Alakim Join the Grand Finals of Pilipinas Got Talent

Mahigpit ang naging labanan sa live results show kagabi ng Pilipinas Got Talent at sa kabila ng dikit dikit na percentage ng mga boto sa anim na semi-finalists, nanaig pa rin sa puso ng sambayanan ang nakakamanghang act ng magician na si Allan "Alakim" De Paz.

Pasok na nga ang salamangkero mula Novaliches, Quezon City sa grand finals matapos nitong masungkit ang 28.49% ng online at text votes.


Pumangalawa sa botohan na may 25.32% ang Fil-Norwegian crooner na si Markki Stroem na sinundan ng grupo ng kabataang musikero ng Kapidamu Band na may 17.18% percent.

Pinagpilian sila ng mga huradong sina Kris Aquino, Ai Ai Delas Alas, at Freddie M. Garcia aka FMG para sa isa pang finalist slot at sa bandang huli nakakuha ng dalawa sa tatlong boto si Markki.


Sina Alakim at Markki na nga ang makakatunggali ng Batanguenong singer na si Jovit Baldivino at ventriloquist na Ruther Urquia sa final round kasama pa ng anim na hihintay na grand finalists na mapipipili mula sa natitira pang 18 na semi finalists.

Sino kaya ang dalawa pang papasok sa pagtatapos ng linggong ito?

Huwag palalampasin ang 3rd live semi-finals ng "‘Pilipinas Got Talent" ngayong Sabado (May 15), 7:15 PM, sa AFP Theater, Camp Gen. Emilio Aguinaldo (ang entrance ay sa gate 1 along Santolan road), at sa Linggo (May 16), 8:15 PM, sa ABS-CBN Dolphy Theater (Studio 1). Para sa karagdagang impormasyon ay maglog-on lamang sa http://pilipinasgottalent.abs-cbn.com.

No comments:

Post a Comment