Kaninang tanghali sa kanyang ABS-CBN noontime show na Wowowee, galit na galit na lumabas si Willie Revillame at nagbanta pang magre-resign sa show kung hinde patatalsikin ng ABS-CBN management ang "The Buzz co-host" and radio commentator na si Jobert Sucaldito.
Ang pinag-ugatan nito ay ang pang-iinsulto diumano ni Jobert sa kanyang DZMM radio program na Showbiz Mismo (na pag-aari rin ng ABS-CBN) sa mga contestants ng kanyang noontime show at sinasabing bakit daw pinapayagan ng Wowowee na maging contestants ang mga pasang-awang high school students with general average na 75 - 79 lamang.
Ayon kay Willie, "Nananawagan ako sa management ng ABS-CBN, huwag n'yo namang payagan na tinitira ang show. Ang laki ng kita ng Wowowee para sa ABS. Mamili na kayo. Kapag hindi ninyo 'yan tinanggal, ako ang magre-resign dito sa Wowowee! Tandaan ninyo 'yan!
"Wala na kayong ginawa kung hindi tirahin ako dito. Ilang taon na akong tumatahimik. Tinitira ako sa diyaryo ng Jobert na 'yan. Tahimik lang ako. Pero tandaan ninyo ito, kapag hindi ninyo 'yan tinanggal, ako ang magre-resign dito! Para po sa mga tao ito. Para sa mga taong espesyal, para sa mga 75 percent ang grades. Ipaglalaban ko ang mga estudyanteng 'yan.
"Sobra na! Huwag mong idadamay ang programang ito! Ang programang ito, ang may-ari ay Pilipino. Hindi ito sa magra-radyo. Mamaya 'yan kapag tinira mo pa ako, hindi na ako papasok dito sa ABS-CBN. Tandaan ninyo 'yan! ABS-CBN management, gawan ninyo ng paraan 'yan. Alagaan ninyo ang mga talent ninyo dahil kami ang nagbubuhos dito ng pagod at lahat. Huwag naman na dito sa sarili naming tahanan ay tinitira kami dito."
To the rescue naman si Wendell Ramos, co-host ni Jobert sa radio program na "Showbiz Mismo", "Ang tagal na noon, last week pa. Nagulat na lang kami biglang nag-react si Willie. Hindi naman sinabi ni Jobert na bobo. Ang sinabi niya bakit 75 to 79 ang kukunin, bakit hindi mataas? Para ma-inspire ang mga bata na mag-aral ng mabuti para makakuha ng 90 average grade para makapasok ako sa Wowowee."
Sa interview ng TV Patrol World kay Jobert ngayong gabi, inilabas nito ang kanyang sentiments sa naging pahayag ni Willie at sinabing malaya syang magbigay ng opinion, "Kung 'di nya gusto ang ginagawa ng news magagalit sya, ok lang pwede. 'Pag tayo 'di natin sya pwedeng punahin. Pare-pareho lang naman kmeng nagtatrabaho sa ABS. I don't think that's fair. You challenge the management na if you don't take me out magre-resign ka? You don't have to go that far."
Sa inilabas na official statement ng Kapamilya network, sinabi nila na nakikipag-usap na sila sa magkabilang kampo tungkol sa isyu.
"Kinausap kaagad ng pamunuan ng ABS-CBN si Willie at Jobert tungkol sa isyu sa pagitan nila. Naniniwala ang ABS-CBN na maaayos ito sa magandang pag-uusap at di nararapat magsagutan pa sa ere."
No comments:
Post a Comment