Tuesday, July 8, 2008

Richard Gutierrez Torn Between KC Concepcion and Heart Evangelista

Aminado si Richard Gutierrez na mahirap ang kalagayan niya ngayon na may magkaiba siyang leading ladies; isang pang-telebisyon at isang pang-pelikula. Kung si Heart Evangelista ang ka-partner niya sa TV, si KC Concepcion naman sa pelikula.

"Actually, mahirap!" natatawang sabi ni Richard. "Kasi yun nga, magte-taping ako ‘tapos magsu-shooting. Siyempre, mahirap lang."

Although, biro niya, hindi pa naman daw umaabot sa level na napagpapalit niya ang pangalan ng dalawang leading ladies niya kapag tinatawag niya.

"
Pero alam n'yo, ngayon kasi, I'm just very happy that I have a lot of projects that are given to me. Kahit na mahirap yung trabaho, masaya pa rin ako. Kasi yun nga, marami akong nami-meet na mga tao.

"Ngayon, I'm working with Star Cinema. So, nami-meet ko rin yung team nila and how they make movies. So, I'm meeting a lot of things and I'm very happy. Right now talaga, ang focus ko sa work ko."

But when asked kung ano ang kaibahan ng closeness niya kay KC at kay Heart, natatawa niyang sinabi na, "Pagkatapos ng Greece, doon ko siguro masasagot kung ano ang difference. So abangan n'yo na lang."

But then, Richard believes na iba na naman daw kasi ang mga fans ngayon.

"Ngayon kasi ang mga fans, kapag nire-report sa akin, yung mga fans mo nakakaintindi. Naiintindihan nila. Open-minded na ngayon ang mga fans. May ibang fan base si Heart at may ibang fan base si KC."

Excited na raw siya sa pagpuntang Greece. Incidentally, kasabay ng pilot day ng Codename: Asero ang pag-alis nina Richard at KC papuntang Greece para mag-shooting ng For The First Time. Ayon kay Richard, dream destination daw kasi nilang dalawa ni KC ang Greece.

"Si KC kasi, hindi pa siya nakakapunta doon. Nalibot na niya ang buong Europe, pero ang Greece, hindi pa. Ang sarap kasama ni KC at saka ang bait niya. Lahat ng tao, talagang masaya sa set. Pati si Direk Joyce Bernal, masayang kasama," lahad ng young actor.

Kuwento rin ni Richard, pareho na raw nakadalaw ang mga ina nila ni KC na sina Annabelle Rama at Sharon Cuneta sa shooting nila. Pero itinanggi ni Richard ang balitang kinausap silang masinsinan ni Sharon.

"Hindi naman," sabi ni Richard. "Nandoon kami sa set, nag-uusap kami. Dumalaw siya, may dalang pagkain. Nakipag-bonding sa aming lahat. Ganoon lang, normal na bisita lang. Tumigil muna ng konti sa shoot, bonding muna lahat. Wala naman kaming maitatago and nothing to hide naman kung anuman ang napagkuwentuhan namin." Pagtatapos pa ni Richard.

No comments:

Post a Comment