Sunod-sunod ang malalaking kaganapan sa loob ng bahay ni Kuya.
Una, ang pagsasama ng mga teen housemates ng Apartment at Villa sa iisang bahay.
Pangalawa, ang pagkawala ni Kuya. Pero nasaan nga ba si Big Brother?
Walang kaalam-alam ang mga teen housemates na kaya umalis si Kuya ay para humanap ng mga bagong bedspacers na titira sa kanyang apartment. Sa paghahanap ng bedspacers ni Kuya, nilibot nya ang buong Pilipinas at natagpuan nya ang isang klase ng kabataan - mga teenagers na iba't iba ang lahi at kahit hinde mga Pinoy ay piniling manirahan dito sa Pilipinas. Sila ang mga dayuhang kabataan na handang patunayan na may lugar sila sa ating bayan. Ibang lahi, ibang dugo pero nakikisalamuha sa mga Pinoy. Sila ang bedspacers na titira sa Apartment at sila ang makakatunggali ng kabataang Pinoy.
Kilalanin kung sino sino sila:
Mula sa dalawang bahay na magkaiba ng estado sa buhay, panibagong tapatan na ang clash ng magkaibang lahi - PBB Teen Housemates at Teenternational Housemates.
Anong grupo ang mas may mapapatunayan? At sa gitna ng kumpetisyon, paano sila makikitungo sa isa't isa?
Sama sama nating sakyan ang mas pinatindi at mas exciting na byahe ng kabataang Pinoy, gabi gabi dito lang sa PBB Teen Clash of 2010.

No comments:
Post a Comment