Monday, May 19, 2008

AI-AI DELAS ALAS is Now Filming "Ang Tanging Ina Ninyong Lahat"

Nagsimula nang mag-shooting ang tinaguriang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas para sa Ang Tanging Ina Ninyong Lahat, na idinidirek ni Wenn Deramas. Sequel ito ng box-office hit movie noong 2003, Ang Tanging Ina ng Star Cinema.

At dahil sequel ito ng Ang Tanging Ina, kasama pa rin sa cast ang mga gumanap niyang anak na sina Marvin Agustin, Alwyn Uytingco, Jiro Manio, Shaina Magdayao, Yuki Kadooka, at ang nagbabalik-showbiz na si Serena Darlymple. Ongoing naman ang search para sa kambal na babaeng anak ni Ai-Ai for the sequel.

Out na sa Ang Tanging Ina Ninyong Lahat ang iba pang gumanap na anak ni Ai-Ai sa original movie na sina Marc Acueza at Heart Evangelista. Hindi na raw kinuha si Marc dahil wala na ito sa showbiz habang si Heart naman ay sadyang hindi na raw kinuha. Nasaktan daw kasi ang ABS-CBN management sa ginawang paglipat ni Heart sa GMA-7.

Mabuti pa si Marvin, na kahit matagal nang nasa GMA-7, ay kinuha pa rin ng Star Cinema upang gampanan muli ang papel ng panganay na anak ni Ai-Ai sa movie. Maayos naman daw kasi ang pag-alis ni Marvin sa ABS-CBN kaya very much welcome pa rin siya sa Kapamilya network.

Wala namang plano ang Star Cinema na kumuha pa ng kapalit nina Heart at Marc for their respective roles. Gagawan na lang daw ng kuwento kung bakit wala ang dalawang anak ni Ai-Ai sa movie.

No comments:

Post a Comment