Wednesday, May 21, 2008

Latest Showbiz Endorsers of L-Glutathione

:: RICHARD GUTIERREZ is the Latest MET Tathione Endorser

Pumirma ng kontrata kanina lang tanghali si Richard Gutierrrez para maging latest endorser ng MET Tathione (Reduced Glutathione) sa Anabel's Restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.

Kabilang na ngayon si Richard sa mga artistang nag-e-endorse din ng MET na tulad nina Jake Cuenca, Albert Martinez, Lani Mercado, Valerie Concepcion, Jennylyn Mercado, Andrew Wolff, at Sherilyn Reyes. Kailan lang ay kinuha rin ng MET ang socialite na si Tessa Prieto-Valdes at ang wellness icon na si Cory Quirino.

Ani Richard, excited at honored daw siya sa pagkakapili sa kanya bilang bagong endorser ng MET.

"I feel excited. It's another exciting venture for me to endorse MET, I also feel honored for being chosen as the latest endorser of MET. Kasi ako, I believe I've been inspirational to other people. Kasi as a celebrity, I have to keep fit, maintain to be healthy and try to look confident and look good for those people that I inspire. MET is a product that can keep me looking good, and confident, and I believe in this product. So, I believe MET can make other people feel confident also."


:: GABBY CONCEPCION Formally Launched as the Newest Endorser of Lucida-DS


Pormal nang ini-launch ang kontrobersiyal na aktor na si Gabby Concepcion bilang pinakabagong endorser ng Lucida-DS Glutathione, a whitening beauty product, kahapon, May 20, sa Palawan Hall ng Edsa Shangri-La Hotel sa Mandaluyong City.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na naging kontrobersiyal ang pagpirma ng kontrata ni Gabby at ng kanyang manager na si Mrs. Rose Flaminiano upang maging endorser ng Lucida-DS ang aktor. Dito kasi nag-ugat ang alitan sa pagitan nila at ng entertainment writer na si Jobert Sucaldito dahil hindi natuloy ang aktor sa pag-e-endorse ng isa pang whitening beauty product.

Sa dami ng mga kontroberisyang dumaan sa buhay ni Gabby, paano hinarap ni Gabby ang isyung ito?

"Well, just like in the past... Yung controversy kasi, hindi na nawala sa katawan ko, e. Kasama na, nakadikit na sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero nangyayari talaga. I guess it's part of showbiz. Tinatanggap ko na lang na bahagi ng industriya, papasok-pasok ka kasi kaya saluhin mo, tanggapin mo," pahayag ng aktor.


No comments:

Post a Comment