Friday, May 23, 2008

HEART EVANGELISTA Mahal Pa Rin si JERICHO ROSALES

Isang source na nakakita kay Heart Evangelista ang nagkuwento sa amin na hindi raw maitatago ang kalungkutan ng batang aktres sa paghihiwalay nila ni Jericho Rosales.

Nakatabi namin sila ng mommy niya sa airport, blangko ang tingin ni Heart, ang lungkot-lungkot niya. Totoo kaya sa sarili niya ang mga pinagsasasabi niya ngayon against Jericho o meron lang nagsusulsol sa kanya?

“Feel na feel mo ang lungkot kapag nakita mo siya, palagi siyang nakatingin sa malayo, mahal pa rin niya si Echo,” sabi ng aming source.

Laughing in the outside, crying in the inside daw ang tingin ng mga ito kay Heart, meron lang daw sigurong pinaligayang mga tao ang aktres sa ginawa niyang desisyon, pero hindi kumpleto ang buhay niya dahil wala si Echo.

No comments:

Post a Comment