Saturday, May 17, 2008

TONI GONZAGA, Bagong ‘Bomba Queen’?

Hindi na raw talaga maawat si Toni Gonzaga, dahil heto nga at bagama’t pitong taon pa lang siya sa showbiz, iba’t ibang klaseng titulo na ang ibinibigay sa kanya.

Sa presscon ng ika-3rd album niya mula sa Star Records, ang Love Is…Toni Gonzaga, kahapon sa 9501 resto ng Channel 2, panibagong titulo na naman ang ibinigay kay Toni.

Sabi, si Toni na raw ang karapat-dapat tawaging Most Certified Platinum Star.

Tanong kay Toni, mas type ba niya ang title na Most Certified Platinum Star, o mas feel niyang matawag siyang The Ultimate Multimedia Star?

Ay! Hindi ko alam. Parang hindi ko alam kung alin ang type ko. Ang hirap namang mamili.

Hindi ko talaga alam. It’s not for me to decide, dahil hindi ba, ang mga tao naman ang nagbibigay ng mga title sa mga artista.

“Kung ako ang papipiliin, kahit ano, okey sa akin.

“Huwag lang Bomba Star! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Kahit anong star, huwag lang ‘yon.

“Huwag ding sexy star, hindi po bagay. Parang comatose na ang level ko kapag ganu’n na ang title ko. Ha! Ha! Ha! Ha!” sabi ni Toni.

Bakit ayaw niyang matawag na sexy star, samantalang sa mga pictures at mga show niya nga­yon, puro pa-sexy ang ginagawa niya.

Panay nga ang pakita niya ng legs niya, at ng likod niya. Paiksi nang paiksi ang mga sinusuot niya.

“Wow! Kailangan ‘yon, eh.

“It comes with the time. Maturity rin. Nagma-mature na rin ang body ko, habang nagma-mature ang mga songs ko,” say niya.

Hindi ba nagrereklamo si direk Paul Soriano sa papaiksi nang papaiksing damit niya?

“Hindi naman talaga ako nagpapa-sexy. Kaya ko lang naman ginawa ‘yung mga leg showing, dahil concert ko ‘yon, para naman maiba sa mga ginagawa ko sa TV.

“When it comes to that, hindi naman namin dini-discuss, kasi alam naman niya (boyfriend niyang si Paul)
na hindi ako gagawa ng isang bagay na hindi ko pinag-iisipang mabuti, na alam kong makakasira sa akin.

At saka, ‘pag nagsusuot ako ng mga seksing damit, ano naman, not to the point na mababastos na ako!” pahayag ni Toni.

Pero sa totoo lang, bagay na bagay kay Toni ang magsuot ng mga damit na seksi, dahil seksi naman talaga siya. Dapat din niyang ipakita ang legs niya, dahil bukod sa maganda ang shape noon, makinis na makinis pa ito.

Ang picture na gina­mit nga niya para sa co­ver ng kanyang album, mapagkakamalan mong naka-stockings siya, dahil sobrang kinis ng kanyang legs.

Wala talagang stockings diyan, pro­mise! Tanong niyo po sa photographer ko, wala talaga.

Kaya namin ipina­kita ‘yan, kasi ‘yun ‘yung time na may hinanakit ako, dahil hindi PALABAN... ako nakapag-summer vacation. So, nu’ng summer lahat tan, ako lang ang maputi.

Sa opening ng PBB Teen Edition Plus, lahat sila tan, ako hindi. So, nag-spray-spray ako ng pang-tan. Peke ang tan ko. Maputi talaga ako.

So, ganiyan talaga ang kulay niya. Maputi talaga,” nangingiting kuwento pa ni Toni.

Siyanga pala, kasama sa album ni Toni ang mga kantang Incapable, You’re in love, If I Give You My Heart, Take Me, I’ll Follow You, Insensitive, Steep, I’ve Been Waiting, at Someone’s Always Saying Goodbye. Ang kantang One Hello ang carrier single ng Love Is…Toni Gonzaga.

Source: Sermino, Abante

No comments:

Post a Comment