Saturday, June 14, 2008

CLAUDINE Tanggap si ANGEL Bilang Bagong Endorser ng Folded & Hung

Anytime ay magpapalabas ng official statement ang Folded & Hung (F&H), isang brand ng damit tungkol sa pagiging endorser ni Angel Locsin.

Lilinawin umano ng official statement na `yon na hindi pinalitan ni Angel si Claudine Barretto, ang naunang endorser ng F&H.

Sa panayam kay Claudine, hindi niya itinago ang tunay na reaksiyon nung lumabas ang isyu na pinalitan na siya ni Angel bilang endorser ng F&H.

Sabi ni Claudine, nagulat siya nung una niyang malaman ang balita. At iginiit niya na wala siyang alam na kasama na pala bilang endorser ng F&H si Angel.

Gustong linawin ni Claudine na hindi siya tumututol na makasama si Angel bilanag endorser. Tanggap daw niya na may nadadag­dag na celebrity endorser sa grupo nila.

Ang ipinagtataka lang niya ay kung saan nanggaling ang mga isyung inagawan siya ni Angel ng endorsement.

Hindi ko talaga alam kung saan nanggaling ‘yan. Imposible naman na manggaling sa amin `yon. At saka, nag-pictorial na kami para sa F&H nung February pa.

“I mean, from the time na nagsisimula pa lang ang F&H, ako na ang kasama nila hanggang sa mag-grow sila,” sabi ni Claudine.

Base sa kuwento, nung nalaman daw ni Claudine na pinalitan na siya ni Angel bilang endorser ng F&H ay nag-iiyak siya sa sobrang galit.

Napailing lang si Claudine nang malaman ang tsismis.

Ayaw ko sanang patulan, kasi parang ang feeling ko ay parang nadadamay lang sa ibang issue sa kanila, eh. Ang alam ko kasi, sila ni Marian (Rivera) ang parang may issue. Tapos parang napapasama ako.

“Kaya hindi na ako nagsalita at hinayaan ko na lang. Ang maganda, may ibang mga tao na nagki-clear sa issue na ‘yan,” sabi ni Claudine.

Inamin ni Claudine na hindi pa sila nagkikita o nagkakausap ni Angel tungkol sa isyu. Pero, ipinagdiinan ni Claudine na wala siyang sama ng loob o galit kay Angel.

No comments:

Post a Comment