Thursday, June 12, 2008

PRINCESS REVILLA is Not Guilty of Maid's Accusation

Noon pa raw Marso 2008 wala sa poder ng dating aktres na si Princess Revilla-Ocampo ang maid na nagreklamo ng pagmamaltrato at pambubogbog, ayon sa Chika Minute portion ng 24 Oras nitong Huwebes.

The domestic helper was no longer connected with Miss Ocampo’s household as early as March 28, 2008. Hence, any injuries allegedly sustained by her could not have been implicated by Ms Ocampo," pahayag ni Raymund Fortun, abogado ni Revilla.

Idinagdag pa ng kampo ng dating aktres na hindi rin umano totoo na menor-de-edad ang kasambahay na tinawag lamang sa pangalang Aida.

Kung mapapatunayang 17-anyos si Aida, bukod sa kasong pagmamaltrato ay maaari ring ihabla si Princess nang child abuse at child labor.

Ngunit batay umano sa birthdate na inilagay ni Aida sa kanyang biodata, ipinanganak siya noong Sept. 21, 1989, na mangangahulugang 18-anyos na siya.

Sa kabila umano ng nakukuhang suporta sa mga mahal sa buhay, aminado si Princess na apektado ang kanyang pamilya sa mga nangyayari sa kanya ngayon.

Andyan naman silang lahat para sa akin pero syempre gusto kong gawin ko…gusto kong patunayan sa kanila na talagang ako kaya ko ‘tong harapin sa tulong ng lawyer ko," pahayag ni Princess, kapatid ni Sen. Ramon “Bong" Revilla Jr.

Source: GMANews

No comments:

Post a Comment